Pages

Thursday, May 24, 2018

Upgrade ng Sewer at Drainage Network, pinasiguro ng TIEZA sa DENR

Posted May 24, 2018
Yes The Best NEWS ---  Pinasiguro ngayon ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA sa DENR na may nakalatag na silang plano sa pag-upgrade ng sewer system at drainage network para maiwasan ang overflow ng wastewater sa dalampasigan ng Boracay.

Image result for tiezaAng pahayag na ito ng TIEZA ay nag-ugat sa naging reaksyon ni DENR Secretary Roy Cimatu ng magsagawa ng ito ng inspeksyon na ikinagulat ng kalihim ang pagkakaroon ng sewerage pipe at manhole malapit sa beach dahil isa umano ito sa posibleng dahilan kung bakit mataas ang coliform level sa dagat.

Paliwanag ng TIEZA, ang sewerage system sa beachfront ay proyekto ng gobyerno na inaprobahan isang-dekada na ang nakalipas.

Ipinunto rin ng TIEZA na ang sanhi ng water pollution at overflow sa mga manhole ay ang pagtanggi ng ilang establisyemento na kumonekta sa sewerage system at ang iba naman ay illegally tapped sa drainage line.

Ayon kay TIEZA Technical Assistant to COO Michelle Vivo, nagpasiguro na sa kanila ang BIWC na tatapusin sa loob ng apat na buwan ang Balabag Sewer Network Rehabilitation Project para maibsan ang daloy mataas na volume ng waste water sa beach front area.

Bagamat nais ngayon ni Cimatu na tanggalin ang mga nasa pitumpong sewer manholes na nakalatag mula Sitio Angol sa ManocManoc papunta sa hilagang bahagi ng Balabag subalit ayon sa TIEZA ay “physically impossible” pa ito at pag-uusapan pa kasama ang technical team ng BIWC.

Samantala, nakatuon din ngayon ang TIEZA kasama ang DPWH sa pagsagawa ng mga flood control infrastructures at drainage system program na ilalatag sa tatlong Barangay sa isla ng Boracay.
Ikakabit na rin umano ang nasa 800-meters extended discharge pipe na idudugtong sa Bolabog outfall upang malayo na ang lalabasan ng drainage water mula Central Boracay at para maiwasan ang pagbabaha lalo na at malapit na ang tag-ulan.

Apela ng TIEZA sa mga establisyemento, gawin ang kanilang ambag para sa mabilisang rehabilitasyon ng Boracay sa pamamagitan ng pag-konekta sa sewerage system para masiguro na ang lahat ng maruming tubig ay maaayos at pumasa sa standard ng DENR.

Ang sewerage system ng TIEZA ay nasa pangangasiwa ng BIWC sa pamamagitan ng Joint Venture Agreement na napagkasunduan noong 2009.

#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayRehabilitation

No comments:

Post a Comment