YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, May 16, 2018

Barangay at Sangguniang Kabataan Election, payapa – PSSUPT Cambay

Posted May 15, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, smiling
Payapa at walang naiulat na unto¬ward incidents sa nangyaring Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kahapon sa isla ng Boracay.

Ayon kay Police Senior Superintendent Jesus Cambay Jr., Metro Boracay Police Task Force Commander, peaceful o naging mapayapa at walang naitalang anumang karahasan ang katatapos na eleksyon sa isla.

Ilan umano sa mga reklamo na kanilang naririnig ay ang pagkakainitan ng mga supporter’s sa social media o facebook pero normal ito na nangyayari.

Pagdating naman sa opisina ng COMELEC, sinabi ni Comelec Officer III Elma Cahilig na karamihan sa mga nai-refer sa kaniya na mga concerns ay ang pagkawala ng mga pangalan ng botante subalit wala naman silang naitalang mga reklamo kagaya ng vote buying hinggil sa election sa buong bayan ng Malay.

Kaugnay nito, kahit tapos na ang eleksyon tuloy-tuloy parin ang ginagawang pagbabantay ng kapulisan kaugnay parin sa anim na buwang rehabilitasyon ng isla.

No comments:

Post a Comment