YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 19, 2018

Lady boy sa Boracay nahulihan ng 31 sachet ng suspected shabu sa buy-bust operation


Posted April 19, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for buybustKalaboso ang 20- na Lady Boy sa pagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang buybust operation ng mga otoridad sa Sitio Cabanbanan, Barangay Manocmanoc kahapon ng umaga.

Ang suspek ay kinilalang si Jose Berdonar y Sambas alyas "Heart", tubong Unidos, Nabas at pansamantalang nakatira sa nabanggit na lugar.

Hindi na nakapalag ang suspek ng masukol ng pinagsamang pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit 6, Malay Police Station at Boracay Police Community Precinct sa koordinasyon ng PDEA 6 matapos mabilhan ng isang sachet ng ipinagbabawal na droga kapalit ng P5, 200 buy bust money.

Sa isinagawa pang body search ng kapulisan nakuhaan pa si Berdonar ng nasa tatlumpong suspected shabu, P 3, 500 at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Nakatakdang dalhin ang suspek sa bayan ng Kalibo at sasampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagbebenta ng droga.

No comments:

Post a Comment