Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay

Sa pagpasok sa
mga otoridad naturang resort, nagkaroon muna ng palitan ng argumento sa pagitan
nina Executive Assistant IV Rowen Aguirre at ni Westcove Legal Gounsel
Atty. Florante Roxas na hindi raw pwedeng
ipasara ang resort dahil mayroon umano silang mga dokumento na pinanghahawakan
at naka-pending ang ifi-nile nilang kaso.

Dahil wala na
itong magawa ay pumayag na rin si Aquino na isara ang resort nito basta parehas
lang daw ang aksyon na gagawin ng lokal na pamahalaan sa ibang may paglabag din
sa Boracay.
Kahit na pumayag
itong isara, inatasan ni Aquino ang kanyang abogado na mag-file ng kaso laban
sa LGU sa paniwala nitong hindi tamang aksyon na ginawa laban sa kanila.

Sa kabila nito,
nagpahayag si Aquino na suportado niya ang kampanya ni Presidente Duterte na
linisin ang isla pero dapat kasama umano ang paglinis pati na sa mga “corrupt”
na opisyal ng Malay.
Nabatid na walang
business, building at occupancy permits
ang lugar kaya iligal umanong nag- operate ang resort kahit na may
pinanghahawakan itong FLAG-T o Comprehensive Land Use Agreement for Tourism
Purposes na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources.
No comments:
Post a Comment