Pages

Thursday, March 15, 2018

West Cove sinilbihan ng “Closure Order” ng LGU Malay

Posted March 14, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people and shoesSinilbihan ng LGU Malay ng “Closure Order” ang kontrobersyal ng West Cove Resort sa Boracay kaninang umaga.

Sa pagpasok sa mga otoridad naturang resort, nagkaroon muna ng palitan ng argumento sa pagitan nina Executive Assistant IV Rowen Aguirre at ni Westcove Legal Gounsel Atty.  Florante Roxas na hindi raw pwedeng ipasara ang resort dahil mayroon umano silang mga dokumento na pinanghahawakan at naka-pending ang ifi-nile nilang kaso.

Image may contain: 1 person, sitting and indoorHinarap din ng may-ari ng resort na si Crisostomo “Cris” Aquino ang Legal Counsel ng LGU Malay na si Atty. Melanio Prado at iginigiit na wala na umanong basehan para gamitin ang executive order na inisyu ng nakaraang mayor para sila ay balikan nito.

Dahil wala na itong magawa ay pumayag na rin si Aquino na isara ang resort nito basta parehas lang daw ang aksyon na gagawin ng lokal na pamahalaan sa ibang may paglabag din sa Boracay.

Kahit na pumayag itong isara, inatasan ni Aquino ang kanyang abogado na mag-file ng kaso laban sa LGU sa paniwala nitong hindi tamang aksyon na ginawa laban sa kanila.

Image may contain: Nonoy AguirreSamantala, ayon kay Atty. Prado pwede namang i-apela sa Office of the President ang nais mangyari ni Aquino dahil ito lamang ang makakapigil sa kanila na ipasara ang resort.

Sa kabila nito, nagpahayag si Aquino na suportado niya ang kampanya ni Presidente Duterte na linisin ang isla pero dapat kasama umano ang paglinis pati na sa mga “corrupt” na opisyal ng Malay.

Nabatid na walang business, building at occupancy permits ang lugar kaya iligal umanong nag- operate ang resort kahit na may pinanghahawakan itong FLAG-T o Comprehensive Land Use Agreement for Tourism Purposes na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources.

No comments:

Post a Comment