YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 06, 2018

Mayor Cawaling hinikayat ang mga Violators na mag self-demolish


Posted March 6, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Hinihikayat ngayon ni Malay Mayor Ceciron Cawaling ang publiko lalo na ang mga nakitaan ng paglabag na magsasagawa na ng self-demolition.

Sa isang video statement, binanggit ng  na pupunteryahin ng LGU Malay ang mga establisyementong nasa side walk, road right of ways, mga illegal structures sa mga dalampasigan ng Puka Beach, Tulubhan Beach, Tambisaan Beach, Balinghai Beach, Malabunot at ManocManoc Proper.

Nakatakda ang demolition operation ng LGU Malay sa Miyerkules, ika-pito ng Marso na layuning malinis at maibalik ang natatanging ganda ng isla ng Boracay alinsunod narin sa kautusan ng Presidente Duterte na ayusin ito sa loob ng anim na buwan.

Bago nito, may ilang establisyemento na ang nag-sara pagkatapos silbihan ng DENR ng “Notice to Vacate” at “Demolition Notice” dahil sa paglabag ng ilang environmental laws.

No comments:

Post a Comment