YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 15, 2018

MDRRMO Malay lalahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Posted February 14, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Makiki-isa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Malay sa nationwide earthquake drill na pangungunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC).

Ayon kay Catherine Ong ng () Malay, gaganapin ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Huwebes, Pebrero 15, alas-2 ng hapon sa Fairways Resort Boracay.

Sabay-sabay itong gagawin ng LGU Malay, mga pampublikong paaralan, ilang pribadong paaralan, Non Governmental Office at mga establisyemento na magsasanay san g bais dril tulad ng “duck, cover and hold” habang lumalabas sa gusali.

Hinimok ni Ong ang publiko na makilahok sa kanila upang isulong ang kahandaan laban sa anumang kalamidad na pwedeng mangyari.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga makiki-isa lalo na ang mga mag-aaral hinggil sa dapat gawin kapag may lindol.

No comments:

Post a Comment