Posted December 13, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay

Sa katunayan, iniliabas na ang mga iskedyul para sa
nalalapit na simbang gabi na mag-uumpisa
sa darating na Sabado, Disyembre 16 hanggang sa Disyembre 24 para sa mga
gagawing misa kabilang ang sa Yapak Chapel at ManocManoc Chapel.
Samantala, gaganapin naman sa alas-singko ng umaga ang
misa para sa Malabunot Chapel at Hagdan Chapel.
Maliban dito, ang novena mass schedule naman ay nakatakda
sa ika-13 ng Disyembre hanggang sa 23 sa Holy Rosary Parish Church ng alas-5 ng
hapon, Diniwid at Lapuz-lapuz chapel sa
alas-sais ng gabi at sa Sinagpa Chapel dakong alas-syete ng gabi.
Samantala, sa darating na Disyembre 24 ilang oras bago
ang pagdaos ng kapanganakan ni Hesus gaganapin sa alas-9 ng gabi ang misa sa
Holy Rosary Parish kung saan alas-sais sa Yapak Chapel at alas-syete y medya naman
sa ManocManoc Chapel.
Ang simbang gabi ay kaugalian nang idiraos bilang
selebrasyon tuwing sasapit ang kapaskuhan.
No comments:
Post a Comment