Pages

Wednesday, November 22, 2017

Reclamation sa Caticlan, muling pinuna ng SB Malay; DOTr ipapatawag

Posted November 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting and indoor
Muling pinuna sa Sangguniang Bayan ng Malay ang nagpapatuloy na development sa reclamation area sa Caticlan Jetty Port ng Aklan Provincial Government.

Nais ngayon ni Sangguniang Bayan Member Frolibar Bautista na magpasa ng resulosyon at talakayin ito sa Committee Hearing upang malaman kung ano na ang status sa 2.6 hectare na reclaimed area.

Suhestyon ni SB Jupiter Gallenero dito, dapat imbitahan ang opisina ng Department of Transportation (DOTr) upang magpaliwanag.

Ikinumpara ito ni Committee Chairman on Environment Nenette Graf ang nangyayari sa Boracay na huwag dapat basta-bastang magsagawa ng kung ano-anong straktura bagkus dapat parin aniyang mag-konsulta ito sa kinauukulan kung ano ang rules and regulation na ipinapatupad sa bayan Malay lalo na sa Boracay.

Samantala kung si Vice Mayor Abram Sualog ang tatanungin kailangan munang linawin ang naturang isyu bago gumawa ng hakbang para dito.

Sinambit pa ni Sualog na isa umano sa problema ay kulang sa enforcement ng Zoning Office na siyang pupuna sa mga kahalintulad na mga sitwasyon.

Ayon kay SB Bautista dapat maayos itong i-implementa dahil pwede umanong kasuhan kung sinuman ang lalabag base sa ordinansang ipinapatupad.

Kaugnay nito, pag-uusapan ng plenaryo ang 2.6 hectare na lawak ng proyekto  na ngayon ay on-going ang construction kabilang na ang paglagay ng daungan at mga rampa.

No comments:

Post a Comment