Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Balak ngayong ipatawag ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
Boracay Island Water Company pagkatapos na napansin ng karamihan ang pagtaas ng
kani-kanilang bayarin sa tubig.
Sa 32nd regular session ng Sangguniang Bayan ng Malay
nitong Martes, laman ng privilege speech ni Sangguniang Bayan Member Jupiter
Gallenero ang tungkol sa pagtaas ng presyo ng tubig ng Boracay Water Company (BIWC).
Binuksan ni Gallenero ang usapin ng tanungin umano ang
konsehal kung nagkaroon ba ng Public Hearing na isinagawa ang BIWC at kung
inimbita ba ang huli.
Nais din malaman ng konsehal kung alam ba ng mga
residente bago ginawang adjustment ng
BIWC.
Ayon naman kay Committee Chairman on Tourism at
Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron, kaya umano nagtaas ng singil ang
BIWC ay dahil siguro sa kanilang expansion at mga bagong proyekto.
Subalit sa paglilinaw nito, hindi umano ito pwedeng
gawing dahilan para taasan agad ang water rate dahil kahit siya mismo ay
nagtatanong kung bakit tumaas din ang kanyang bayarin sa tubig.
Dagdag pa ni Pagsuguiron, marahil wala itong problema sa mga big investors pero paano
naman raw ang mga residene kung saan nagtanong pa ito kung bakit palagi umano
nila itong tinataasan.
Dahil dito, nakatakdang ipatawag sa susunod na buwan ang
pamunuan ng Boracay Island Water Company para pagpaliwanagin.
Sa panayam sa pamunuan ng BIWC, nagpatawag na umano sila
ng meeting noong buwan ng Hulyo kung saan napag-usapan ang usapin sa drainage
system project ng BIWC sa Boracay at nakatakdang rate adjustment sa presyo ng tubig.
Samantala sa pahayag kay BIWC Business Operations Head
Acs Aldaba, pupunta sila sa imbitasyon ng SB-Malay para ipagpaliwanang ang
tungkol sa water increase ng kompanya.
Sa ganito umanong paraang ay mailalatag nilang mabuti sa publiko
kung ano ang dahilan at bakit tumaas ang water rate nila sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment