Pages

Wednesday, September 27, 2017

Boracay, nananatiling Rabies Free

Posted September 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for Rabies FreeNananatili pa ring Rabies Free ang isla ng Boracay sa kasalukuyan.

Sa panayam ng himpilang ito kay Nurse II Madel Joy Tayco ng Municipal Health Office ,sa taong ito ay wala umanong nakumpirma na kaso ng rabies sa isla katulad sa nakalipas na taon.

Kaugnay nito ang ahensya naman ng MHO ay may isinasagawang information, education and communication (IEC) campaigns para mabigayan ng kaukulang impormasyon ang publiko.

Nabatid naman na mayroong animal bite center sa Bayan ng Ibajay at Kalibo na maaaring agad na puntahan ng mga nabiktima ng kagat ng aso.

Magugunitang taong 2013 tanging ang isla ng Guimaras at Boracay lamang ang kauna-unahang lugar sa Western Visayas ang idineklarang rabies free.

Ang World Rabies Day ay taunang selebrasyon sa buong mundo tuwing ika-28 sa buwan ng Setyembre.

No comments:

Post a Comment