Posted September 27, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Dahil sa lubak at
hindi parin naaayos na kalsada sa area ng Caticlan sa bayan ng Malay, nais
ngayon pagpaliwanagin ng Sangguniang ang pamunuan ng DPWH.
Dismayado si LIGA
President Julieta Aron sa kasalukuyang sitwasyon nila sa Caticlan partikular ang
national road malapit sa palengke ito’y dahil nitong nakalipas na araw ay
mayroon umanong nadisgrasya habang dumadaan sa lugar.
Ayon kay Aron, may
request na sa Office of the Mayor para ma-construct na ang kalsadang
lubak-lubak na labis na pahirap sa mga dumadaan lalo na sa turistang pumupunta
sa isla ng Boracay subalit wala pa ring development mula sa DPWH.
Para malinawan
ang mga miyembro ng SB, napagdesisyunan ng mga ito na imbitahan ang DPWH sa
susunod na sesyon upang pag-usapan itong isyu.
Kung matatandaan,
nagpadala na ng sulat si DPWH Aklan District Engr. Noel Fuentebella sa Lokal na
Pamahalaan ng Malay sa kahilingan ni Mayor Ceciron Cawaling para sa
pagsasa-ayos ng lubak na kalsada at pag-paganda ng kalsada pati na ang drainage
system at mga signages na ilalagay sa lugar.
Sinasabing
naglaan na ng P8 Million budget ang DPWH na direktang nasa control ng
provincial government ng Aklan.
No comments:
Post a Comment