Posted August 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Nagpasaklolo ang
Dutch National sa Boracay PNP matapos umanong looban ang kanilang bahay sa
Sitio Hagdan, Yapak, Boracay.
Ang nagrereklamo
ay isang dutch national na kinilalang si Ingrid Yolande Van Breemen, 63-anyos
at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.
Ayon sa report
nito sa mga pulis, naglilinis umano ng swimming pool ang kanilang caretaker ng
mapansin nito ang bag ni Breemen sa labas ng bahay na labis nitong ipinagtaka.
Dahil dito, mabilis na kinuha ng caretaker ang bag at ibinigay sa kanya
subalit ng ito ay kanyang tiningnan ay laking gulat nito na nawawala na ang kanyang pera na nagkakahala ng P 6, 000 at $50 US Dollar.
Napag-alaman na
nawawala rin sa loob ng bahay ang cellphone ng asawa nito na nakapatong sa
lamesa ng sala.
Sa kanilang
pag-usisa sa CCTV, dito nila nakita na
pinasok sila ng hindi nakilalang suspek at umano’y ito ang nagnakaw ng kanilang
nawawalang pera at cellphone.
Kasalukuyan
namang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na nakunan pa sa CCTV at kumalat
na sa social media habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
No comments:
Post a Comment