Pages

Thursday, August 31, 2017

Pag-operate ng E-Trike sa Boracay, kailangang dumaan sa tamang akreditasyon

Posted August 31, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

29th Regular Session Malay
Kailangan munang dumaan sa tamang akreditasyon ang lahat ng mga E-trike na gustong kumuha ng permit to operate  dito sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ng Sangguniang Bayan ng Malay kay Peter Montalban, Director ng Modelo Global Solutions Corporation nitong Martes sa naganap na sesyon ng plenaryo.

Nabatid kase na ang Modello ay siyang kinukuhaan o nagsusuplay ng Star 8 E-trike na siyang nag-ooperate sa isla ngunit walang kaukulang permit dahilan kung bakit sila pinagpaliwanag sa sesyon.

Pinangunahan ni Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero ang katanungan kay Montalban na aniya bakit sila nag-ooperate na hindi manlang dumaan sa kanila.

Giit ni Gallenero hindi sila tutol sa kanilang negosyo ang kanya lang ay magbigay sila ng respeto sa kanilang mga SB Member dahil isa sila sa mga nag-aaproba na makapasok at makapag-operate ang mga ito sa isla.

Ang sagot lang ni Montalban dito ay meron na umano silang application para makapasok at maka-operate ang kanilang unit mula sa LGU-Malay.

Paglilinaw ni Vice Mayor Abram Sualog upang wala nang po-problemahin pa, ang kinakailangan nilang gawin ay tiyakin na meron munang akreditasyon para sila ay maaprobahan ng Sangguniang Bayan ng Malay.

Napag-alaman na may sampung Star 8 E-trike na umano dito sa isla ng Boracay ang namamasada.

Kung maisakatuparan ang akreditasyon ng Modello, pang-lima na silang suppliers ng E-trike sa Boracay kung saan ang apat na nag-ooperate na dito ay Be-mac, Tojo, Gerweiss Motors at Prozza.

No comments:

Post a Comment