Posted August 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Aprubado na
kahapon sa 29 th Regular Session ang kahilingan ni Mayor Ceciron Cawaling na
magkaroon ng Memorandom of Agreement sa pagitan ng Department of Interior and
Local Government (DILG) para sa pag-implementa ng Community Base Monitoring
System (CBMS).
Ang Community
Base Monitoring System (CBMS) ay isang data base kung saan makikita o
naka-rekord ang regular funds, financial plan at kung saan mapupunta ang budget
at paglalagyan ng budget.
Itong usapin ay
pinag-usapan noong Martes kung saan i-prenesenta dito ni Aklan DILG LGOO-5
Debra Lynn Romero sa plenaryo kung ano ang CBMS at kung ano ang maitutulong
nito sa bayan ng Malay.
Samantala,
sinang-ayunan naman ni Mayor Cawaling itong database monitoring dahil aniya sa
paraang ito hindi na mahihirapan ang LGU-Malay at madaling matututunan ang mga
opisinang nangangailangan ng budget.
Bagama’t aprubado
na itong proyekto ay sa susunod pang taon ito ma-iimplementa dahil sa kulang na
ang budget para sa pagpapatupad nito ngayong taon.
No comments:
Post a Comment