Posted June 5, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Nagsagawa ng media tour ang Kalahi-CIDSS ng Department of
Social Welfare and Development o (DSWD) upang ibahagi sa mga Media sa Aklan
kung ano ang ipinatayo o ipinagawang proyekto nito sa pinakadulong bayan ng
probinsya, ang Buruanga.
Ang media-tour ng Kalahi-CIDSS ay pinangunahan nina
Deputy Regional Project Manager ng Kalahi-CIDSS- Belen Gebusion, Area
Coordinator-Jomar Lingaya, Maria Chinny
Joy Ballaran-Municipal Link ng 4 P’s, Maricar Calubiran-Social Marketing
Officer.
Sa isinagawang pagpupulong kasama si Buruanga Mayor
Concepcion Labindao kasama ang media, tatlong Barangay sa lugar ang kanilang
napatayuan ng proyekto kung saan ito ang Tag-osip, Cabugan at Santander.
Bilang bahagi ng proyekto, kabilang sa mga inayos nila
dito ay ang Barangay Road Construction at installation ng streetlights sa mga
nabanggit na Barangay.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Labindao
sa ipinagkaloob na tulong ng Kalahi-CIDSS sa kanilang bayan dahil kahit papaano
umano ay napunan ang pangangailangan ng mga tao partikular na dito ang malayong
Barangay.
Ayon kay Tag-osip Barangay Captain Jeneth Matutina,
malaking tulong sa kanila na naayos na ang kanilang kalsada dahil sa
pamamagitan umano nito makapag-tatrabaho na sila ng maayos hindi umano katulad
ng dati na mahirap itong pasukin dahil sa mabatong daan.
Kaugnay nito, nagpa-abot ng mensahe si Gebusion na
patuloy umano silang magbibigay ng tulong sa mga bayan at Barangay sa mga
probinsya sa buong Pilipinas.
No comments:
Post a Comment