Posted May 23,
2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay

Sa panayam kay BLTMPC Operation Manager John Pineda, ang
ugali ng mga driver pa rin ang siyang puno’t-dulo ng lahat ng sumbong na minsan
ay umaabot pa sa social media dahil sa mga hindi magandang karanasan ng mga
pasahero sa kalsada.
Pangunahing reklamo pa rin anya ang overpricing at
pag-tanggi sa mga pasahero, walang masakyan dahil puro chartered ang biyahe at
pagpili ng pasaherong isasakay.
Mariin namang paalala nito sa mga pasahero na kung may
reklamo ay kunin ang body number at idulog agad sa kanilang opisina upang
kanilang maaksyunan at panagutin ang mga pasaway na drayber.

Pagnagkataon, pwedeng bawiin ang at parehong
ma-suspinde ang driver at operator kapag tumanggap ang mga ito ng reklamo.
Aniya, sa mga hindi nakaka-alam ang tamang pamasahe sa
traysikel simula Cagban ay P20.00
subalit pag-lumagpas na ito sa 24/7 at P25.00 habang sa mga Charter naman ay
P120 ang tamang singil simula Cagban hanggang Station 1.
Kaya sa mga naniningil ng sobra, may 15 days na suspension
bilang penalidad sa sinumang mahuli .
Kaugnay nito, nakatakda silang magsagawa nang pagpupulong
kasama ang mga driver at operators kung ano ang kanilang susunod na hakbang
para i-indorso kay BLTMPC Chairman Joel Gelito.
Samantala, paalala pa rin ng BLTMPC na patuloy na maging
vigilante at ugaliing alamin ang body number ng sinakyan at ang driver na
nagmamaneho ng unit bago sumampa.
No comments:
Post a Comment