Posted March 8, 2017
Ni
Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Isang lalaki ang
natagpuang patay sa kanilang bahay kahapon alas-sais y medya ng umaga sa Brgy.
Libas, Banga, Aklan.
Nadatnang naliligo
na sa kanyang sariling dugo ang biktima na kinilalang si Juliuz Marledge Amparo
y Risan, 35-anyos residente ng naturang ring lugar.
Ayon sa report ng
Banga Municipal Police Station, naabutan na wala ng buhay na nakahiga sa
kanilang kwarto ang biktima kung saan nakitang may tama ng baril sa kanyang ulo.
Agad namang humingi
ng tulong ang pamilya ng biktima sa Banga PNP kung saan sinuri naman ng Scene
of the Crime Operatives o SOCO ang pinangyarihan ng insidente para sa masusing
imbestigasyon.
Sa ngayon ay
patuloy pa ang ginagawang pagkalap ng impormasyon ng mga otoridad sa posibleng
motibo ng pagpatay sa biktima.
No comments:
Post a Comment