Posted March 9, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakalatag na o nasa bidding process na umano ang Phase II
sa gagawing drainage system sa isla, partikular sa area ng Bolabog.
Sa panayam kay Boracay Island Water Company (BIWC) Operations
Head Jennifer Vergara , sinisimulan na umano ng Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pag-sasaayos para sa pag-uumpisa ng Phase
II ng drainage system na nakatakdang gawin sa 1st half ng taon.
Aniya, kung matatandaan noong 2014 ng simulan ang Phase 1
ng drainage system at nito lamang nakaraang taon ay nagkaroon ng Memorandum of
Agreement (MOA) signing sa gitna ng Lokal na pamahalaan ng Malay at ibat-ibang
stakeholder sa Boracay para sa naturang proyekto.
Ayon kay Vergara, meron
ng budget ang una sa apat na packages ng proyekto lalo na ang Bolabog drainage line na
uumpisahan kapag meron ng napiling contractor sa ginagawang bidding.
Ang bawat package umano ng mga area na lalatagan ng
drainage line ay magkakaroon ng sariling pumping station na kinabibilangan ng
Bolabog hanggang Ambulong at Lugutan areas.
Sa Phase II, balak din na habaan ng outfall pipe para
hindi maka-apekto sa kalidad ng tubig lalo na sa Bolabog Beach.
Umapela naman si Vergara sa mga Boracaynon na hindi lang
umano ang kanilang opisina, TIEZA at LGU ang magtulungan para sa drainage
system sa Boracay kundi pati na ang mga residente dito.
No comments:
Post a Comment