Posted March 8, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Photo Credit SPO1 Christopher Mendoza |
Arestado ang apat na katao sa Boracay matapos na magsagawa
ng hot pursuit manhunt operation ang Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC)
sa Caticlan Jetty Port.
Kinilala ang apat na naaresto na sina Camela Cho Pahati,
33-anyos mula sa Sta Cruz, Manila, Reynald Merlan Bartolome, 29-anyos na
residente ng Mariveles, Bataan, Jose De Leon Marcelino at Apol Cruz Buenaflor
na parehong nagmula sa Taguig.
Ayon sa salaysay ng waitress ng isang sikat na bar na
nagreport sa BTAC, mayroong umanong ginamit na tatlong credit cards ang mga
suspek kung saan ni-reject itong lahat.
Napag- alaman na ang mga suspek ay unang lumabag sa
di-umano'y estafa dahil sa hindi pagbayad ng kanilang bill na nagkakahalaga P8,
188.98 pesos sa naturang bar.
Bukod dito, isang bar pa ang nabiktima ng modus ni Bartolome
na nagpakilala bilang si Sebastian matapos itong umorder ng champagne at
pagkain.
Dahil dito, naalarma na ang isang HR ng hotel sa isla kung
saan nanuluyan ang mag suspek at tinawag ang atensyon ng nabiktimang bar
tungkol sa card transaction kung kaya’t agad naman itong ini-report sa mga
otoridad.
Narecover ng mga operatiba ang mga skimming device, isang
laptop, assorted credit cards, Postal ID, Driver license at cellular phones mula
sa mga nahuling suspeks.
Sa ngayon ang apat ay kasalukuyang nakapiit na sa BTAC
lock-up cell para sa kasong estafa at paglabag sa Republic Act No. 8484 “An Act
Regulating the Issuance and Use of Access Devices, Prohibiting Fraudulent
Acts".
No comments:
Post a Comment