Posted March 9, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Aasahan ang pagdating ng tatlong cruiseship ngayong buwan
ng Marso sa isla ng Boracay.
Sa pulong na ginanap sa Caticlan Jetty Port, bilang
paghahanda sa papalapit na Marso 13 taong kasalukuyan,nabatid na darating ang
MS Europa sa ikaapat na pagkakataon.
Inaasahan din na dadaong ang MS Celebrity Constellation
sa Marso 14 na isang maiden call kung saan matatandaang hindi nakadaong ang
barkong ito noong araw ng mga puso dahil sa malakas na alon.
Bukod pa rito darating din sa Marso 22 ang barkong MS Seaborne Sojourn para sa
ikalimang pagbisita nito sa Boracay.
Ayon kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, nauna
ng nagpahiwatig na bibisita ang pitong barko ngayong buwan ngunit ang
apat sa
mga ito ay nakansela.
Samantala, inaasahan na darating ang ilan sa mga
cruiseship sa mga susunod pang mga buwan.
No comments:
Post a Comment