Posted March 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinangunahan ng
Department of Trade and Industry (DTI)-Aklan ang pagbubukas ng Negosyo Center
sa bayan ng Libacao ngayong araw.
Inilatag ng
DTI-Aklan kung ano ang Negosyo Center at benipesyo nito sa mga mamamayan.
Sa programang ito
ng DTI, nakapaloob sa mga start-up business ang pagturo nila kung paano
magrehistro ng business name kabilang ang sistemang gagawin.
Ang Negosyo
Center ay aagapay din sa nagbabalak magbukas ng bagong negosyo sa pamamagitan
ng pagbibigay ng Business Information.
Dito, pwede ng i-proseso ang aplikasyon sa Business Name
Registration para sa mga MSME o Micro, Small and Medium Enterprises.
Ang Negosyo Center
ay proyekto ng DTI sa ibat-ibang lugar sa bansa para makatulong sa mga nais
magtayo ng negosyo at sa mga negosyante.
Ito na ang
pang-pitong Negosyo Center na binuksan sa probinsya kung saan nakatakda namang
buksan ang dalawa pang Negosyo Center sa Malinao sa April 20, at Malay sa May
18.
No comments:
Post a Comment