Pages

Friday, March 24, 2017

Probinsya ng Aklan, deklarado na bilang Retiree Friendly Province

Posted March 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Retiree Friendly ProvinceAprubado na ang resulosyong inihain sa Sanguniang Panlalawigan (SP) Aklan may kaugnayan sa pagkilala sa probinsya ng Aklan bilang Retirement Area or Deemed as Retire-Friendly Province.

Sa ginanap na SP Session nitong Lunes, inaprubahan ang resulosyong ini-akda ni Vice -Governor Reynaldo Quimpo at Sangguniang Panlalawigan Member Immanuel Sodusta na layuning buksan ang pinto ng probinsya para sa mga retirees.

Sa resolusyon, nakasaad na ang magandang klima, trabaho at kultura ng mga Aklanon ang siyang dahilan na angkop ang Aklan para sa mga retirado.

Umaayon din ang kwalipikasyon ng probinsya sa kampanya Philippine Retirement Authority para sa mga retiradong kababayan natin dito at sa abroad dahilan na posibleng magkaroon ng PRA Satellite Office dito.

Samantala,  ang pagdeklara na retire-friendly area ay isa ring hakbang upang makapag-imbita ng mga negosyante at makapagbukas pa ng maraming trabaho sa probinsya.

No comments:

Post a Comment