Posted March 21, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Kumpirmado na ang
umento o salary increase sa Western Visayas para sa mga minimum wage earners epektibo
simula Marso dise-sais, taong kasalukuyan.
Ayon kay DOLE
Aklan Field Office OIC Arlyn Siaotong sa panayam ng programang Boracay
Good News ng himpilang ito, ang P 25.00 na dagdag sahod ay inilabas na ng Regional
Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB VI.
Aniya, naipaabot
na nila ang Wage Order No. RBVI-23 sa mga stakeholders na kailangan ng ipatupad
kaagad sa mga minimum wage earners depende kung sa anong industriya ito
napabilang.
Sa aprobado na
bagong minimum wage rate sa Western Visayas, may pagtaas ng P25.00 ang minimum
wage earners na lagpas sa sampung empleyado na nasa non-agriculture, industrial
at commercial establishments.
Tatanggap din ng
bagong rate ang mga agricultural at non- agricultural na mga trabahante.
Puspusan umano
ang gagawin nilang adbokasiya para malaman ng mga employers ang kanilang
tungkulin at sa oras na hindi masunod ang bagong salary rate ay maaari silang
konsultahin ng mga employees para sa kanilang karapatan.
Kaugnay nito,
hindi lamang umano ang mga regular na nagtatrabaho ang makakatanggap ng ng
bagong umento kundi maging ang mga bagong pasok din.
Sa isinagawang konsultasyon at public hearing sa Boracay
ng DOLE sa nakalipas na taon ay humiling ang mga Boracay workers na ipantay ang
minimum salary rate sa NCR dahil sa mataas na cost of living.
Bagamat nagkaroon na ng magandang resulta sa pagtaas ng
sahod, paglilinaw ni Siaotong, naipaabot na umano nito ang nais mangyari ng mga
trabahante sa isla sa National Wages and Productivity Commission.
No comments:
Post a Comment