Pages

Friday, February 03, 2017

Dapat ng aksyunan ang mga insidenteng nangyayari sa water sports activity- Korean Consul

Posted February 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

“Dapat ng aksyunan ang mga insidenteng nangyayari sa water sports activity sa isla”

Ito ang sinambit ni Korean Consul Lee Yongsang nitong Martes sa isang pagpupulong sa isla ng Boracay.
Nandito si Yongsang sa Aklan upang dumalo sa Pre-trial sa kaso ng pagkamatay ng isang Koreano noong Agosto 25, 2015 sa Isla ng Boracay dahil sa Helmet Diving.

Aniya, kilala ang Boracay bilang isa sa dinadayong isla sa bansa kaya kailangan ng karampatang aksyon para sa mga nangyayaring insidente sa kanilang kapwa Koreano dito, lalong-lalo na sa mga water sports activity na kanilang kinukuha.

Nabatid kasi na ang namatay na biktima na si Ho Dong Eom ay sumailalim sa Helmet Diving na kanyang ikinamatay dahil umano sa kapabayaan ng naturang water sports crew kung saan ayon naman sa ama nito na si Peter Eom, hindi ito naniniwala na nilapatan umano ng agarang medikasyon ang kanyang anak kung kaya’t ito ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Image may contain: 6 people, people smiling, people sitting and indoorDagdag pa nito ang pinaka-importante umano ay ang kaligtasan ng bawat isa na sumasailalim sa mga water sports activity, paglapat ng angkop na medical care at ang tamang sistema dito.

Kasama ng Korean Consul ang Ama ng biktima sa ginanap na pre-trial upang makaharap ang tatlong crew na nasa likod ng insidenteng ito.

Samantala, nagpasalamat naman ang tatlong involve sa naturang kaso dahil pinatawad sila ng Ama ng biktima at dismissed na ang kaso sa pagitan nila.

Ang biktima ay kaisa-isang anak ni Peter Eom na kilala bilang Coffee Master sa Seoul, Korea.

No comments:

Post a Comment