Pages

Saturday, February 04, 2017

Paghahanda sa seguridad ng Asean Summit 2017, puspusan na

Posted February 4, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for asean summitPuspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga otoridad para sa seguridad sa nalalapit na ASEAN Summit 2017 na gaganapin sa isla ng Boracay.

Sa panayam ng himpilang ito kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, ang deployment ng mga na-augment na mga hanay ng pulisya para sa ASEAN ay sa Pebrero 7, limang araw bago ang magaganap na pagpupulong at tatlong araw pagkatapos nito.

Kaugnay rito, may tatlong task group ring binuo kung saan ito ay kinabibilangan ng Security, Peace and Order, at ang emergency preparedness.

Ayon kay Gregas, nasa 1/3 na seguridad ang ilalaan nila ngayon sa ASEAN Summit 2017.

Napag- alamang ang bilang ng VIP’S na dadalo sa nasabing Meeting ay nasa 44 kung saan ang bilang naman ng mga pulisya na na-augment ay 900 kasama na ang PRO- 6.

Nabatid na ang Aklan Police Provincial Office ay mag-dedeploy ng mga pulisya sa jetty ports, paliparan, coastlines, hotels at pangunahing lugar kung saan idadaos ang ASEAN Summit sa Boracay Island, katuwang nila dito ang Unit mula sa Armed Forces of the Philippines, Boracay Action Group at force multipliers na tutulong sa pulis.

Ang mga security teams umano ang magbabantay mula sa airport sa bayan ng Kalibo papuntang Caticlan.

Layunin ng nasabing deployment na maging ligtas, payapa at maayos ang mga gaganaping Summit meetings sa Boracay.

Samantala, ang tema ng gaganaping ASEAN Summit ay “Partnering for Change, Engaging the World.”

No comments:

Post a Comment