Pages

Friday, February 03, 2017

Korean Consul nagtungo sa Boracay para sa Pre-tial kaugnay sa namatay na Koreano noong 2015

Posted February 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: 1 person, sittingBilang tugon sa nagyaring insidente at pagkamatay ng turistang Koreano na si Ho Dong Eom noong taong 2015 sa Boracay, nagtungo ang Korean Consul na si Lee Yongsang dito upang pag-usapan ang Pre-trial ng kaso.

Kasama ang ama ng biktima na si Peter Eom, nais nilang harapin sa korte ang mga involve sa naturang kaso para malinawan sa mga nangyari  noong Agosto 25, 2015 na ikinasawi ng anak dahil sa Helmet Diving.

Ayon sa Ama ng biktima, hindi umano siya naniniwala na nilapatan ng agarang medikasyon ang kanyang anak dahilan ng kanyang pagkamatay.

Tatlo sa mga staff na nasa aktwal na operasyon noong mangyari ang insidente sa naturang Helmet Diving ang pinatawan ng kaso sa korte ang nandoon para pag-usapan at pagdesisyunan ang kaso.

Samantala ayon naman sa Ama ng biktima hindi siya naghahabol ng anumang pera kundi ang tanging gusto niya lamang dito ay ang taos-pusong paghingi ng patawad mula sa mga taong involve sa kaso.

Ani Eom, madami na umano ang naitatalang mga namamatay na aksidente na kinabibilangan ng mga Korean National ngunit wala pa ring nagbabago sa sistema sa bansa.

Nais nalang nito na maipabatid na bigyang halaga ang seguridad at kaligtasan ng bawat turista na bumibisita sa isla.

Nais din nilang masiguro na maayos ang watersports activity at may maayos na pasilidad para sa mga insidenteng nangyayari at mabilis na aksyon sa mga kaso tulad ng nangyari sa kanila.

Kaugnay nito, ipinaabot ng konsul ng Korea na mahal ng mga Koreans ang Pilipinas kaya dapat din itong mahalin at protektahan ang Koreans sa Pilipinas gaya ng pag-protekta ng Koreano sa Pilipino.

Samantala, dinismissed na ang kaso sa gitna ng ama ng biktima at tatlong helmet divers crew.

No comments:

Post a Comment