Pages

Wednesday, January 25, 2017

No Helmet sa bayan ng Malay, isinusulong

Posted January 25, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for helmet“No Helmet sa mga motorista”.

Ito ngayon ang laman ng Privilege Speech ni Liga President Julieta Aron sa 4th Regular Session ng Malay kahapon.

Isinusulong ni Aron na huwag na umanong gumamit ng helmet ang mga motorista base umano sa kanilang pagpupulong na ginawa ng mga Punong Barangay sa Mainland.

Aniya, nagiging threat na umano ito sa mga residente dahil hindi umano nila nakikilala ang driver ng motorsiklo kung saan uso na umano ngayon ang riding in tandem na sanhi ng ilang kriminalidad.

Pagtutol naman ni SB Member Graf, ang paggamit ng helmet ay makatutulong umano sa mga motorista para maiwasan ang anumang disgrasya.

Paglilinaw ni Graf, pwede raw ito kung sa piling lugar lang ito ipatupad dahil ang paggamit ng helmet malaking tulong sa mga driver ng motorsiklo.

Si SB Member Gallenero ay sumang-ayon naman sa gustong mangyari ni Aron dahil marami ng krimen umano sa isla ng Boracay na  ng riding in tandem kung saan isa raw itong paraan upang madaling makilala ang driver ng motorsiklo.

Kaugnay nito, ire-refer ito sa Committee on Laws na pinamumunuan ni Gallenero kung saan nakatakda nilang suriin ang National Law para madesisyunan ang isinusulong na ordinansa ni Aron.

Ayon naman kay Vice Mayor Abram Sualog, pag-aralan muna umano ang traffic ordinance kung ano ang mga related ordinance na angkop para dito.

No comments:

Post a Comment