Pages

Wednesday, January 25, 2017

Cruise ship na “MS Seaborne Sojourn”, masisilayan na sa isla ng Boracay

Posted January 25, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for ms seabourn sojourn
Masisilayan na ang pagdating ng returning vessel na MS SEABORNE SOJOURN na isang European cruise ship sa isla ng Boracay sa Enero 28 ngayong taon.


Sa panayam ng himpilang ito kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration, nakatakda umanong dumaong sa isla ang nasabing cruise ship sa Sabado, alas- diyes ng umaga at magtatagal hanggang alas- sais ng gabi.

Aniya, ito na ang ikatlong pagbisita ng naturang cruise ship kung saan lulan nito ang apat na daang turista kasama ang tatlong daang mga crew.

Napag- alamang matapos nitong dumaong sa Shumen at Hundred Islands ay didiretso ito sa Manila kung saan ang isla ng Boracay ang kasunod.

Pagkatapos nito, babaybayin ng MS SEABORNE SOJOURN ang Coron, Puerto Princesa at babalik sa Foreign Country nito na Kota Kinabalu.

Ayon pa kay Pontero, kung ano ang mga ginawang paghahanda ng mga kinau-ukulan sa pagdating ng mga cruise ship noong nakaraang taon ay ganoon parin umano ang kanilang gagawin.

Kaugnay nito, puspusan na rin ang paghahanda na ginagawa ng Jetty Port para sa seguridad nito katuwang ang Philippine Army, Philippine National Police, Malay Auxilliary Police (MAP), MARITIME Police, Philippine Navy at Philippine Coast Guard.


No comments:

Post a Comment