Pages

Wednesday, January 25, 2017

Residente ng Barangay Dumlog, nagpasaklolo sa SB-Malay hinggil umano sa dumi ng tao na kanilang naamoy sa lugar

Posted January 25, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nagpaabot ngayon ng hinaing ang ilang mga residente sa Barangay Dumlog sa Mainland Malay sa mga kasapi ng SB-Malay ito’y dahil umano sa masang-sang na “dumi ng tao” na kanilang naamoy sa kanilang lugar.
Sa naganap na Session nitong Martes, binuksan ni Liga President Julieta Aron itong usapin dahil narin sa reklamo na kanyang natatanggap mula sa mga residente.

Samut-saring komento ang ipinahayag ng mga miyembro ng SB kung saan nga ito umanong reklamo ay umabot na sa social media na pinost sa Facebook.

Kaugnay nito, nagpa-abot ng sulat ang mga residente na apektado ng umano’y masangsang na amoy na kanilang nalalanghap sa lugar.

Binasa ni SB Secretary Concordia Alcantara ang liham na ipinaabot ng mga residente kung saan nakapaloob dito ang reklamo partikular malapit sa eskwelahan ng Barangay Dumlog na sila ay nag-rereklamo hinggil sa mabahong amoy na kanilang nalalanghap na galing umano sa tapunan ng “dumi ng tao”.

Nabatid umano na bumabaho ang lugar kung ito ay nababasa.

Kaugnay nito, humihingi sila ng tulong sa mga nasasakupan kung pwede matulungan sila sa kanilang problema.

No comments:

Post a Comment