Pages

Tuesday, January 17, 2017

Kalibo Ati-Atihan Festival naging “generally peaceful and orderly” – APPO

Posted January 17, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for nida gregasGenerally peaceful and orderly ang naging selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati- Atihan Festival 2017  sa kabila ng pagdagsa ng  nakibahagi sa nasabing selebrasyon.

Ito ay ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO) Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, nang makapanayam ito ng himpilang ito.

Dagdag pa nito, wala umanong major related incidents ang naitala sa naturang pagdiriwang maliban sa mga petty crime tulad ng physical injuries, alarming scandal, at pagpapatala ng mga nawawalang gamit sa kasagsagan ng selebrasyon.

Bukod dito, naging mapayapa rin aniya dahil sa kanilang mga  isinigawang checkpoints at police assistance centers katuwang ang mga volunteers at force multipliers.

Nabatid na nasa 1,016 na mga pulis kaakibat ang mga Philippine Army at mga Civilian Volunteers ang ipinakalat sa buong bayan ng Kalibo upang tiyakin ang seguridad sa kasagsagan ng selebrasyon.

Samantala, may isang daang mga pulis naman umano ang idi-deploy sa bayan ng Ibajay para sa pagdiriwang ng Ibajay Ati- Atihan 2017 sa darating na araw ng linggo.

No comments:

Post a Comment