Pages

Tuesday, January 17, 2017

“Black Beauty Boys”, muling nasungkit ang kampeonato sa Kalibo Ati-atihan 2017

Posted January 17, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

No automatic alt text available.Muli na namang tinanghal na kampeon sa Tribal Big Category ang grupong “Black Beauty Boys” sa ginanap na Kalibo Santo Niño Ati-atihan 2017.

Sa ika-pitong pagkakataon, tumataginting na One Hundred Eighty Thousand Pesos ang grand prize ang kanilang naiuwi.

Habang nasa 2nd place naman ang Viking ng Dumga Makato na nakatanggap ng P 100,000, at nakuha naman ng Kabog ng Estancia, Kalibo ang 3rd prize at P 60,000.

Samantala narito ang iba pang nanalo:

Tribal Small Category:

1st Prize -Tribu Alibangbang ng Linabuan Norte Kalibo na tumanggap ng P 80,000
2nd Prize -Tribu Bukid Tigayon ng Tigayon Kalibo P50, 000
3rd Prize -Tribu Responde ng New Buswang Kalibo P40, 000
Modern Group Category:

1st Prize -Royal Scorpio ng Poblacion Kalibo na may P70.000
2nd Prize -Aeang-Aeang ng Linabuan Numancia P30, 000
3rd Prize -Pirates 1962 ng Poblacion Kalibo P20, 000
Balik-Ati Category:

1st Prize -Tribu Alayanhon mga Inapo ni Gen. Candido Iban Liloan Malinao na nakatanggap ng P 70,000
2nd Prize -Apo ni Inday ng Calangcang Makato P30,000
3rd Prize –Malipayong Ati ng San Roque Malinao P20, 000

Kaugnay nito, nagpa-abot naman ng pasasalamat ang KASAFI o Kalibo Santo Niño Ati-atihan Festival Incorporated sa lahat ng mga lumahok na tribu sa taunang selebrasyon ng tinaguriang Mother of All Festival sa probisnya ng Aklan.

Ang Ati-Atihan Festival ay ginanap nitong Enero 6 hanggang Enero 15, 2017 bilang selebrasyon sa kapiyestahan ni Sr. Sto. Niño.

No comments:

Post a Comment