Pages

Tuesday, January 24, 2017

BJMP sa Aklan, muling magpapatayo ng kulungan

Posted January 23, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for BJMP AKLAN
Muling magdadagdag ng jail cells ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang makatulong sa umiiral na siksikan sa jail facility ng Barangay Nalook sa bayan ng Kalibo.


Ayon kay Senior Jail Officer 4 Rolyn Malolos, deputy BJMP-Aklan chief, umabot sa 489 inmates ang kabuuang populasyon sa loob ng selda kung saan, apatnapu’t limang mga babae ang nagsi-siksikan sa naturang selda.

May nakahanda na umanong budget para sa konstruksiyon ng multi-milyong gusali na ito sa Western Aklan.

Nabatid na ang dahilan ng kasikipan sa BJMP Aklan District Jail, gayundin sa Aklan Rehabilitation Center ay ang mga nahuli sa walang tigil na paglaban ng pulisya sa iligal na droga at kriminalidad.

Samantala, nakipag-usap na umano ang ahensiya ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamahalaang bayan ng Makato para sa 2,000 square meter lot para sa akomodasyon ng pagtaas ng bilang ng mga bilanggo.


Sa pangangasiwa ng United Nations dapat umano nasa 200 inmates lang ang nasa jail cell ng BJMP.

No comments:

Post a Comment