Pages

Monday, January 23, 2017

Iloilo-Guimaras-Negros-Cebu bridge, nakatakda ng umpisahan ngayong taon

Posted January 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Sisimulan na umano ngayong taon ang $1 BILLION na halaga ng tulay na magko-konekta sa apat na isla sa Visayas, bago paman umano matapos ang termino ni Presidente Rodrigo Duterte.

Ayon kay Department of Public Works Secretary Mark Villar, ang pagkokonekta umano ng Iloilo-Guimaras-Negros-Cebu ay pinaka-adhikaing programa sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nabatid na ang haba umano ng nasabing tulay ay may kapasidad mula sa dalawa hanggang sampung kilometro.

At kung sakaling matapos ito, maaari na umanong mag-road trip papuntang Iloilo at Cebu.

Ang nasabing proyekto ay sinuportahan naman ni Guimaras Governor Samuel Gumarin at Iloilo Governor Art Defensor, at tulong na rin ng Public at Private Partnership (PPP) at ng National Government , inaasahang ngayong taong 2017 ay masisimulan na ang pagpapagawa nito.

Matatandaang ito umanong proyekto ay inanunsyo ni DPWH secretary Mark Villar sa ginanap na League of Municipalities (LMP) meeting sa Maynila.

Samantala, sa isang press conference, kasama ni Villar sina Ernesto Pernia ng National Economic and Development Authority Director General, Transportation Secretary Arthur Tugade at Vivencio Dizon ng Bases Conversion and Development Authority President and Chief Executive Officer kung saan pinag-usapan nila dito ang siyam na infrastructure projects ng Duterte administration na sisimulang gawin ngayong taon.

At nais umano ng pamunuan ng Duterte Administration na ayusin ang Manila at ipakalat ang pag-unlad nito sa buong rehiyon.

No comments:

Post a Comment