Pages

Tuesday, January 24, 2017

Pag-turn over sa Boracay Circumferential Road, ni-request ng Lgu-Malay sa Probinsya ng Aklan

Posted January 24, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting and indoor
Sa naganap na 3rd Regular Session sa SB Malay nitong martes, naging laman ng usapin ang isang resolusyon kaugnay sa pagturn-over ng Boracay Circumferential Road sa lokal na pamahalaan ng Malay.

Ayon kay SB Member Floribar Bautista, na siyang may-akda ng resolution, kayang pangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng Malay ang circumferential road.

Idinagdag pa niya na ang pagkakaroon ng ganap na kontrol at pamamahala sa circumferential road ay magiging daan para masolusyunan na ang problema ng trapiko sa isla.

Kaugnay nito, naging pabor naman ang lahat ng mga miyembro ng konseho sa nasabing resolution.

Nabatid na sakop ng nasabing Boracay Circumferential Road ang mga pangunahing kalsada sa Barangay Yapak, Barangay Balabag, Sitio Cagban at Tambisaan kung saan kasalukuyang nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.

Samantala, sa sandaling ma-isumite ang nasabing resolusyon sa Provincial Government, umaasa si Bautista na agad itong mabigyan ng sagot nang sa ganun maipatupad na ang paglipat ng nabanggit na  Circumferential Road sa lokal na pamahalaan ng Malay.

No comments:

Post a Comment