Pages

Friday, December 02, 2016

Planong paghuhukay ng Chinese Vessel sa Aklan, River, nakarating kay Pangulong Duterte

Posted December 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for chinese shipsNakarating umano sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong paghuhukay ng mga Chinese Vessel sa Aklan River ng probinsya.

Ito’y ayon kay Kalibo Mayor William Lachica, kung saan ito umanong balak ay inaprobahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) subalit hindi ipinaabot sa kanyang tanggapan.

Sinabi pa nito na maging ang PENRO ay tutol din sa nakatakdang pag-dredge sa ilog.

Nabatid na nitong nakalipas na linggo ay namataan ang naturang barko sa ilog kung saan agad naman itong pinuntahan at ininspeksyon ng miyembro ng Kalibo-PNP at Philippine Coast Guard.

Nabatid na balak mag-dredge o maghukay ng barko na may pitong metro ang lalim sa Aklan River.

Nakatakda namang maghain ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Kalibo upang pigilan ang naturang proyekto.

No comments:

Post a Comment