Posted December 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muling nag-abiso
ang opisina ng Aklan Provincial Health Office (PHO) sa publiko na mag-ingat sa pagbili
ng noche buena at paputok sa paparating na pasko at bagong taon.
Ayon kay Aklan
Provincial Health Officer 2 Dr. Cornelio Cuachon Jr., muli umano silang
nag-papaalala sa publiko na maging maingat sa kanilang bibilhing Noche Buena
ngayong pasko lalong-lalo na umano
ang mamantikang pagkain sa mga may hypertension o high blood.
Aniya, kailangang
maging healthy lifestyle lang umano ang mga tao sa pamamagitan ng pagkain ng
masustansyang pagkain katulad ng prutas at gulay.
Maliban dito,
maging maingat din umano sa bagong taon lalong-lalo na sa mga magpapaputok kung
saan mas mainam umano na gumamit nalang ng mga alternatibong maiingay na bagay
katulad ng kaldero at torotot upang sa kapahamakan.
Samantala,
nakatakda naman umanong magsagawa ng motorcade ang PHO-Aklan at MDRRMO sa Disyembre
13 kaugnay sa iwas paputok kung saan ito ay may tema na “Oplan Iwas paputok,
fireworks display ang paputok, makiisa sa fireworks display sa inyong lugar.
No comments:
Post a Comment