Pages

Friday, December 02, 2016

Naliligong Korean national sa Boracay, nalunod; patay

Posted December 2, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for nalunod in englishPasado ala-una kahapon ng hapon ng makatanggap ng tawag ang Boracay PNP na meron umanong nalulunod na turistang Korean national sa Station 1. Brgy. Balabag, Boracay.

Kinilala ang biktima na si Taejong Jeon, 40- anyos, temporaryong nanunuluyan sa isang hotel sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, naliligo umano ang biktima ng mapansin ng kinilalang si Jonie Malacas Tabas, 30-anyos, isang paddle board staff na ito ay hindi na makalangoy at ikinakampay nalang ang kanyang kamay habang ang floater nito ay malayo na sa kanya.

Hindi na nag-atubili pang saklolohan ni Tabas ang nalulunod na biktima kung saan agad namang ni-rescue ng mga miyembro ng LGU lifeguards.

Nabatid na umabot ng tatlong minuto bago nakuha ang biktima sa dagat kung saan agad naman nila itong binigyan ng paunang lunas sa pamamagitan ng CPR.

Dinala pa umano ito sa isang clinic para i-revive ngunit kalaunan ay idineklara din itong patay ng doctor na sumuri dito.

Samantala, ang bangkay ng biktima ay idinala na sa Prado Funeral Homes sa bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment