Posted November 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Bukas, araw na
Miyerkules, magsasagawa ng Basic Incident Command System (ICS) Training ang Municipal
Risk Reduction Management Office (MDRRMO) bilang paghahanda sa mga iba’t-ibang
insidente partikular sa maaring kalamidad na mangyari sa ating bansa lalo na
isla ng Boracay.
Ayon kay
Catherine Ong Fulgencio ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office
ng Malay, layunin umano ng nasabing training ay para matulungan ang publiko sa
kanilang kakayahan sakaling magkaroon ng mga sakuna, gayundin maging handa ang
mga ito na ma-protektahan ang kanilang buhay.
Dagdag pa nito,
itong training ay bilang narin sa gaganaping ASEAN summit sa isla
ng Boracay sa taong 2017.
Samantala,
inaasahan namang dadalo sa naturang training ay ang ibat-ibang Head ng
Municipal Government Offices sa Malay na kinabibilangan ng PNP, Philippine
Army, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Philippine Maritime, Consultant
ng ibat-ibang grupo katulad ng Boracay Action Group, Boracay Fire Rescue
Ambulance Volunteers, Transportation group at iba pang mga kooperatiba.
Nabatid na
tatlong araw ang gaganaping training kung saan magsisimula ito bukas Nobyembre
16 at magtatapos naman hapon Nobyembre 18 sa La Carmela De Boracay.
No comments:
Post a Comment