Posted November 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Korean at Chinese
tourist parin ang siyang nangunguna sa tourist arrival sa isla ng Boracay
ngayong taon simula nitong Enero hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan.
Nabatid na
mahigit 739,960 na mga bumisita dito ay kinabibilangan ng Korean at Chinese nationals
kung saan nasa 16.61 % ang pagtaas kumpara sa 634,539 ng nakaraang taon sa kapareho
ring period.
Kaugnay nito, mga
Koreans ang nangunguna na may 36.23 % o (268,099) na bumisita kung saan 11 %
ang itinaas mula sa 241,516 kumpara noong taong 2015.
Samantala, sa
Chinese tourists ay may rekord parin itong 244,422 hanggang 64 percent sa
kaparehong period noong 2015.
Sumunod naman
dito ang mga Taiwanese na may 50,338; Malaysia, 22,905 at United States na
merong 19,080.
Ayon sa tala ng
Malay Municipal Tourism Office (Mtour), itong limang nasyonalidad ay may 81.74
percent na total ng mga foreign visitors na bumisita sa loob lamang ng sampung
buwan kung saan sa loob ng buwan ng Oktubre ay meron itong rekord na 118,682.
Samantala, sa
domestic tourist ay tumaas naman ng 58,368 kumpara noong nakaraang taon na
43,954.
Sa kabuuan ang
Boracay ay may 1,466,746 tourist arrival mula Enero hanggang Oktubre at may
12.24 percent ito sa 1,306,799 sa kaparehong period ng taon.
Balak naman ng
Mtour na maabot ang target na 1.7M tourist arrival sa pagtatapos ng 2016.
No comments:
Post a Comment