Pages

Tuesday, November 08, 2016

AKELCO, naglabas ng Open Letter hinggil sa nangyaring aksidente sa Yapak

Posted November 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Aklan Electric Cooperative (Akelco)Magbibigay ngayon ang Aklan Electric Cooperative (Akelco) ng penansyal na tulong sa pamilya ng dalawang namatay dahil sa pagkahulog ng kanilang live wire sa Sitio Ayala, Brgy. Yapak, Boracay nitong nakalipas na Sabado ng umaga.

Nabatid, na nagrequest na umano sila sa mga pulis sa pamamagitan ng Scene of the Crime Operative (SOCO kasama na ang Institute of Integrated Electrical Engineers (IIEE) of the Philippines  para imbestigahan ang nangyaring insedente na ikinamatay ng 7-anyos na bata at 31-anyos na ginang.

Kaugnay nito, hindi umano muna sila magbibigay ng anumang komento kaugnay sa nangyari hangga’t hindi pa nila alam ang resulta sa isinagawang imbestigasyon bagamat meron na silang inisyal na finding sa nangyari.

Samantala, nag-apot naman ang pamunuan ng AKELCO ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima

No comments:

Post a Comment