Posted November 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Binalaan ngayon
ng Department of Labor & Employment (DOLE-Aklan) ang mga employer na below
minimum rate parin ang isinasahod sa kanilang mga empleyado partikular dito sa
isla ng Boracay.
Itong usapin ay
may sa ginanap na seminar nitong Biyernes sa isla ng Boracay tungkol
sa ENDO o (End of Contractualization).
Sa naturang
pagpupulong ay binigyan ng pagkakataon ang mga empleyado at employer na
magbigay ng kanilang katanungan sa kanilang mga karapatan may kaugnayan sa
kanilang mga trabaho.
Kaugnay nito,
isang nagtatrabaho sa spa ang nagtanong kay Usec. Dominador Say na siyang
naging tagapagsalita, na ang ipinapasahod parin umano sa kanila ay below
minimum rate kung saan paliwanag naman umano ng kanilang amo dito ay binibigyan
naman sila ng tip ng kanilang costumer.
Dahil dito, ipinaliwanag
ni Say na hindi umano tama ang ganitong gawain dahil ito ay hindi naaayon sa
batas.
Kaya naman pina-alalahan
ngayon ng DOLE ang mga empleyado na i-report ang mga kaparehong karanasan upang
maaksyunan at matigil itong gawain.
No comments:
Post a Comment