Posted November 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ngayong araw ng
Miyerkules Nobyembre a-nuwebe, nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay ang MS
Pacific Venus.
Ayon kay Special
Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration Caticlan, dadating
umano ang naturang cruise ship sa alas-7 ng umaga at magtatagal naman hanggang
sa alas-6:00 ng gabi.
Nabatid na ang MS
Pacific ay mayroong 190 crew at 220 passengers.
Samantala, susunod
naman na dadaong ang barko ay sa Tagbilaran Port at ang huli naman ay sa Kaohsiung.
Kaugnay nito,
mahigit dalawampu naman ang inaasahang aakyat ng naturang barko na kinabibilangan ng Government Officials mula
sa probinsya, Department of Tourism, Media at iba pang stakeholders at
Department of Tourism (DOT) kung saan isang maiden call ang magaganap para sa isasagawang plaque of exchange.
No comments:
Post a Comment