Posted October 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ginawaran ngayon
ng 2016 Most Business-Friendly award ang LGU-Kalibo kung saan nasungkit nila
ito mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Nabatid na noong
taong 2015 ay nakatanggap ng award ang Kalibo bilang Most Business-Friendly
Municipality Level 1 (1st-2ND class municipalities) sa patuloy nitong
pagbibigay ng magandang daan pagdating sa transparansiya, pagpapatibay at pagpalago
ng negosyo.
Samantala,
ngayong taon umano ang criteria ng PCCI para sa mga kwalipadong negosyante ay
yaong mga nakapag-invest ng promotion, stratehiya, Anti-Red Tape Act compliance
initiatives, transparensiya sa mga transaksyon ng LGU at ang mga compliant
kasama ang kanilang financial transactions.
Kaugnay nito, ang
kompetinsiya at paninidigan ng LGU ay para lumikha at magbigay ng pagkakakitaan
sa pamamagitan ng lokal na impleyado kagaya ng paghikayat ng turismo, aktibong
pagsuporta sa mga programa para sa public-private sector partnership, pro-active
stance ng LGU para i-promote ang lokal na ekonomiya sa paggamit ng impormasyon
at kumonikasyon at teknolohiya, paglikha ng materyales at sa pakikipagtulungan
ng LGU sa ibang ahensya ng pamahalaan.
Nabatid na ang
batayan ng Most Business-Friendly award ay ang patuloy na implementasyon ng
LGU-Kalibo sa kanilang criteria simula noong Enero 2015 hanggang nitong Hunyo
2016.
No comments:
Post a Comment