Posted October 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Credit by: SPO1 Chritopher Mendoza |
Dalawa umanong Improvised
Explosive Device at isang timba ang nakitang palutang-lutang sa dagat ng isang residente
habang ito ay naglalakad sa dalampasigan ng Balinghai Beach Barangay Yapak,
Boracay.
Dahil dito,
kaagad nitong ini-report sa operatiba ng Boracay PNP ang nakita kung saan agad
namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar.
Ayon kay SPO1 Christopher
Mendoza ng BTAC, ni-respondihan ng Boracay PNP, T/SGT Joel Eclar ng 21st
Explosive Ordinance Disposal (EOD) Technician Task Group Boracay- Philippine
Army ang lugar.
Kung saan sa
kanilang pag-imbestiga dito nakita nila ang 49 na blasting caps na nakalagay sa
timba habang ang ammonium nitrate naman ay nakalagay sa dalawang galon.
Samantala, nagpapatuloy
naman ang ocular inspection ng Boracay PNP, Task Group Boracay-Philippine Army
at Philippine Coast guard sa area kung saan nakita ang Improvised Explosive Device.
Sa ngayon, ang
narekober na blasting caps at ammonium nitrate ay nasa kustodiya na ng EOD
Boracay.
No comments:
Post a Comment