Pages

Wednesday, October 05, 2016

PNP kumasa ng dalawang buy-bust operation sa Boracay, isang suspek sugatan dahil nanlaban

Posted October 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

May tama ng baril ang suspek na lalaki matapos diumano nanlaban sa mga pulis habang isinasagawa ang kanilang drug-bust operation sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay kagabi.

Kinilala ang suspek na si Darwin Bartolome o mas kilala bilang Darwin Barrientos, 22-anyos, isang habal-habal driver at nakatira sa nasabing lugar.

Nabatid na habang binibigay ng suspek ang dalawang plastic sachet ng pinaghihinalaang suspected shabu ay nagpakilala ang poseur buyer na siya ay pulis kung saan agad na tumakbo ang suspek papunta sa Talaga Compound.

Dahil dito, hinabol ito ng pulis at sinabihan na tumigil subali’t imbes na tumigil ay bumunot ito ng kanyang baril at pinaputukan ang pulis na hindi naman natamaan.

Dahil umano sa pagpapaputok ng suspek ay bumunot din ng baril ang pulis kung saan natamaan si Bartolome, na ngayon ay ini-refer sa ospital sa Kalibo.

Kaugnay nito, narekober pa sa suspek ang dalawang libong marked money, cal .38 na baril at apat na bala.

Sa ngayon ang suspek ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11, Article II of RA 9165 sa pagbebenta ng iligal na droga at RA 10591 sa paggamit ng baril.

Isinagawa ang operasyon ng Malay PNP, Boracay PNP, Aklan Public Provincial Public Safety Company (SWAT), Maritime Group, at PDEA.

Samantala, isa namang 23-anyos na babae ang kulong sa hiwalay na buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Manoc-manoc, kanina madaling umaga.

Kinilala ang suspek na si Maribel Lubrico, 23-anyos, native ng Misayap, Cotabato at resident ng naturang lugar.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang dalawang suspected shabu at dalawang libong buy-bust money.

Nahuli ang suspek sa isinagawang operasyon ng Malay PNP, Boracay PNP, Maritime Group, at PDEA.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act ang suspek.

No comments:

Post a Comment