Posted October 6, 2016
Ni Inna Carol l. Zambrona, YES FM Boracay
Sa ginanap na
Committee Hearing ng SB Malay nitong Martes, nag-pulong ang mga may-ari ng
water sports sa pangunguna ni Committee on Tourism SB Dante Pagsuguiron kung ito
ba ay ipagpapatuloy ang pag-operate nito sa Boracay.
Ito umanong
usapin ay napag-usapan noong 12th Regular Session kung saan nagpakita ng mga
larawan si BAG Consultant Leonard Tirol tungkol sa mga aksidente na kanilang ni-respondihan
dahil sa pagsakay sa Fly Fish.
Ayon kay SB Dante
Pagsuguiron, paliwanag umano ng mga may-ari sa kanila kaya umano nagkakaroon ng
mga aksidente dito, ito’y dahil ni-rerequest ng mga sumasakay na bilisan at
taasan ang kanilang pagpapatakbo.
Kung saan ito
umano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng disgrasya sa ibang mga sumasakay.
Kaugnay nito,
binigyan ng sampung araw ang mga may-ari ng water sports activity na magkaroon
ng regulasyon ang kanilang pag-operate na ito ay dapat may nakabantay o nakamonitor
na kanilang operator kung saan isa pa umano sa kanilang naisip dito ay kuhanan
ng Health Certificate kung sila ba ay pwedeng sumakay nito.
Samantala, kung
maka-submit na ang mga ito ay magkakaroon ulit ng meeting kung ito ba ay
ipagpapatuloy o hindi.
No comments:
Post a Comment