Posted October 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pinuna ngayon ni SB
Nenette Aguirre-Graf ang mga ginagawang construction o pag-repair ng mga
kalsada sa Boracay.
Laman ng Privilege
Speech sa SB Session ni Graf, ang kaliwa’t kanan umanong pagbubungkal ng
kalsada sa isla kung saan labis umano siyang nangangamba sa posibilidad na
pangyarihan ito ng disgrasya ng mga tao lalong-lalo na ang mga motorista.
Aniya, dapat
umano na aksyunan itong usapin kung saan nais niya ngayong magpasa ng
resulosyon sa probinsya ng Aklan na kung pwedeng ibalik ang karapatan sa Malay
at Boracay ukol sa usaping kalsada.
Nabatid kasi na
itong pagpapaayos ng mga kalsada ay nasa otoridad ng probinsya ng Aklan.
Sinabi pa ni Graf
na hindi naman ang probinsya ang nagdudusa kung sakaling may ma-disgrasya dito
kundi ang mga residente lalo na ang turista.
Kaugnay nito,
nais niyang ipatawag sa susunod na sesyon ang dalawang Water Company kung saan isa
rin umano ito sa may proyektong ginagawa dahilan at may construction sila sa
ibang area ng kalsada dito.
Samantala, itong
usapin ay pag-uusapan muna nila sa komite kasama ang MPDC sa request nito tungkol
sa re-classification ng mga kalsada sa Barangay at bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment