Posted September 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hinihintay parin
ngayon ng Comelec ang opisyal na desisyon kung matutuloy o hindi ang
Sangguniang Kabataan (SK) at Barangay Election ngayong Oktobre.
Ayon kay Malay
COMELEC Officer II Elma Cahilig, naka-abang pa rin ang kanilang opisina sa
kahihinatnan ng eleksyon habang wala pang mula mismo kay Pangulong
Duterte.
Nabatid na malapit
ng ilabas ang desisyong ito na ngayon ay nasa third at final reading na ng
Kongreso.
Ayon pa kay
Cahilig, nakahanda ang kanilang opisina sa kung anuman ang maging resulta sa
desisyon ng COMELEC National kung saan kanila ng pinaghahandaan ang
registration sa taong 2017 na magsisimula sa susunod na buwan ng Oktubre.
Sa panukala, isinusulong na maiurong ang
eleksyon sa October 31, 2016 at balak na gawin sa October 23, 2017.
No comments:
Post a Comment