Posted September 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Photo Credit: Alan Palma Sr. |
Naging matagumpay
ang pagbubukas ng nasabing proyekto sa pangunguna ni BIWC General Manager Mike
Santos.
Ilan sa dumalo at
nagbigay ng kanilang mensahe ay sina Tourism Infrastructure and Enterprise Zone
Authority OIC Regulator Atty. Ma. Teresa Alvarez, Manila Water Chairman of the
Board Fernando
Zobel de Ayala, Aklan Gov. Miraflores kung saan ibinahagi nila ang magandang
epekto na maibibigay ng bagong STP sa isla.
Ayon
kay Governor Miraflores, hangad din nito na maumpisahan ang susunod na proyekto
na Yapak Sewer Treatment Plant sa lalong madaling panahon para buong isla na
ang ma-serbisyuhan nito.
Kung
maalala, dalawang taon na ang nakalipas ng hingin ng stakeholder sa Boracay
Water na magtayo ng bagong STP dahil sa hindi na kaya ng Balabag STP ang
kapasidad ng used water ng isla.
Nabatid
na itong bagong planta ay may kapasidad mag linis ng mahigit sa 5-milyong litro
na waste water kada araw.
Samantala,
inaasahan naman na magiging matagumpay ang pag-operate ng pangalawang Sewage Treatment Plant ng BIWC sa isla ng
Boracay dahil na rin centralized network of sewer line na inilatag.
No comments:
Post a Comment